As usual, kahit saan pa ako mapapapunta, ang paborito ko paring lugar ay sa harap ng kompyuter. Kaya heto ako, tinatype ang kahit anong pumasok sa utak ko ngayon gamit ang pc ng kapatid ko. Kasi wala akong magawa. Pasensya.
Mas maganda specs ng pc ng kapatid ko kesa sa pc ko sa manila. damn. Sayang hindi ako nagdala ng installers ng games..
10:53am na pala.. ilang oras na lang, tatawag na si mama at papapuntahin na kami este ako pala..sa tindahan. Kasi si ate, tulog pa rin. Asa. Ang boring naman dun, cashier lang ang trabaho ko, wala pa computer. Dalhin ko kaya laptop ko? Kaso.. baka maging target ng magnanakaw. Wag na lang.. yung ipod na lang siguro, mas maliit. maingay pa.XD
Bale anim na ang alalay ni mama sa tindahan, kelangan pa kaming tumulong? Magkwekwenta kasi daw sya. boring. Feeling ko wala akong silbi dun. Isa pa, lahat ng taong kilala kami, lagi tinatanong, 'anong course mo? gradweyt ka na?' Sinabi nang hindi pa eh! Nung summer lang tinanong mo yan.. kulit mo ah.
Kelangan mo pa pati laging nakasmile. Kainis. Plastic.
Ano kaya ulam ngayong tanghali?
Baboy nanaman ako. Well, kelan naman hindi?XD Sabi ng sabi mama ko magdiet ako tapos sya pa magtatanong kung ano gusto ko kainin. hahaha. mga nanay talaga.XD
Sira na psp ni paopao. Kaya pala hindi na nya ginagamit. Binigay na sa akin. Hahaha. Papaayos ko na lang sa greenhills. Pag may pera na ako.. at kasamang pumunta dun.XD
Speaking of pera, may utang pa rin ako kay soleil.XD Hahaha. Pasalubong ko nga kay mama eh yung bills namin sa manila ngayong buwan.XD meralco at pldt. yayness. makakalibre nanaman ako. Happy!^___^
ang sama sama ko talagang anak. Pero masarap ang libre eh.XD